Naaresto na ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang isa sa mga suspek na nasa likod ng pagpatay kay 2024 Mutyang Pilipinas-Pampanga candidate Geneva Lopez at Israeli fiance na si Yitshak Cohen.
Ayon sa CIDG na naaresto nila ang suspek na si alyas “Jay” sa Barangay Care, Tarlac City.
Ang nasabing suspek ay naaresto ng CIDG Tarlac Provincial Field Unit sa bisa ng Warrant of Arrest na inilabas ng Regional Trial Court 109 sa Capas, Tarlac noong Marso 10, 2025.
Si alyas Jay ay siyang pang-apat na suspek na naaresto sa limang inakusahan sa pagpatay sa magkasintahan.
Magugunitang natagpuan ang bangkay ng dalawa noong Hulyo 6, 2024 na itinapon sa isang quarry site ng Barangay Sta. Lucia, Capas, Tarlac.
Ilang araw na naiulat na nawawala ang dalawa kung saan huling paalam nila ay nakatakda nilang kitain ang isang Police Officer Michael Angelo Guiang na interesadong bumili ng kanilang lupa noon pang Hunyo 22, 2024.
Patuloy ang ginagawang paghahanap ng mga otoridad sa natitira pang suspek.