-- Advertisements --

Dela Rosa, iginiit na nakinig si Pang. Duterte sa sentimiyento ng publiko hinggil sa war vs drugs

Iginiit ni PNP chief Ronald Dela Rosa na ang sentimyento ng taumbayan ang naging pangunahing konsiderasyon ng Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang desisyon na ipaubaya na sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang war on drugs.

Ayon kay Dela Rosa frustrated din ang Pangulo sa reaksyon ng taumbayan sa pagsasagawa ng PNP ng war on drugs na nakita daw sa survey results.

Pagpapatotoo lang aniya ito na hindi diktador ang Pangulo at nakikinig sa kagustuhan ng taumbayan.

Dahil dito, bukas sa loob ni PNP chief na ang desisyon ng punong ehikutibo.

Nagpasalamat na rin daw siya nang magkausap silang dalawa.

Dagdag pa ni Dela Rosa, tututukan ngayon ng PNP ang kanilang anti-criminality campaign lalo na ang mga street crimes.

Pagbibigay-diin nito na talagang “hands off” ang PNP sa mga operasyon kontra droga.