-- Advertisements --

Kinumpirma ni Acting Presidential Spokesman Karlo Nograles na na-expose kamakailan si Pangulong Rodrigo Duterte sa isang household staff na nag-positibo sa COVID-19.

Sinabi ni Sec. Nograles, bagama’t negatibo naman ang resulta ng test kay Pangulong Duterte, kasalukuyan pa rin itong sumasailalim sa mandatory quarantine protocols.

Ayon kay Sec. Nograles, patuloy pa rin naman sa trabaho si Pangulong Duterte habang naka-quarantine at may constant o palagiang komunikasyon sa mga miyembro ng gabinete para matiyak na natutugunan ang mga urgent matters at ma-monitor ang implementasyon ng kanyang mga direktiba partikular sa government COVID-19 response.

Inihayag naman ni dating Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na nasa Bahay Pagbabago sa PSG Compound si Pangulong Duterte at abala umano sa paper works.

“The Palace confirms that President Rodrigo Roa Duterte was recently exposed to household staff who tested positive for COVID-19. The President has since been tested for COVID-19, and while the results of the test came back negative, he is currently observing mandatory quarantine protocols. The Chief Executive continues to work while in quarantine, and is in constant communication with the members of the Cabinet in order to ensure that urgent matters are addressed, and to monitor the implementation of his directives, particularly with regard to the government’s COVID-19 response,” ani Sec. Nograles.