Pangungunahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Commencement Exercises ng Philippine Military Academy (PMA) ‘Bagong Sibol sa Kinabukasan Didigma Hanggang sa Wakas’ (BAGSIK DIWA) Class of 2022 sa Fort General Gregorio H. del Pilar sa Baguio City, ngayong alas-9:00 ng umaga May 15, 2022.
Pinangunahan din nito ang awarding ceremony sa 214 graduating cadets, na binubuo ng 165 males at 49 females.
Ang mga graduating cadets ay idi deploy sa tatlong branches ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Sa nasabing bilang, 104 cadets ang mapupunta sa Philippine Army (PA), 57 sa Philippine Navy (PN) at 53 Philippine Air Force (PAF).
Si Cadet First Class (CDT 1CL) Krystlenn Ivany Quemado, mula sa Koronadal City, South Cotabato, ang siyang Top 1 sa graduating class at mapupunta sa Philippine Navy na may ranggong Ensign (ENS).
Bilang class valedictorian, matatanggap nito ang Presidential Saber Award mula sa Commander-in-Chief.
Ito ang huling pagdalo ni Pang. Duterte sa PMA Commencement Exercises, dahil matatapos na ang kaniyang termino sa June 30, 2022.