-- Advertisements --

Dumating na sa bansa si President Ferdinand R. Marcos Jr. kaninang madaling araw matapos ang matagumpay na trilateral meeting sa pagitan nina President Joe Biden at Japan Prime Minister Kishida Fumio kung saan nakakuha ang Pilipinas ng suporta mula sa dalawang lider.

Bandang alas-3:03 ng madaling araw kanina ng lumapag ang eroplano na lulan ang Punong Ehekutibo.

Pinaigting na kooperasyon sa U.S. at Japan sa usapin ng ekonomiya, depensa, climate change, at maritime security ang bunga ng pakikiisa ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa unang Philippines-U.S.-Japan Trilateral Summit kasama si President Joe Biden at Prime Minister Kishida.

Sa arrival message ng Pangulo kaniyang ipinagmalaki ang suporta ng Amerika at Japan sa infrastructure development at connectivity ng Pilipinas sa pamamagitan ng Global Infrastructure and Investment (PGI).

Suportado din ng dalawang bansa ang pagpapatupad ng Pilipinas ng Open Radio Access Network (O-RAN), workforce development para semiconductor industry, capacity-building isa paggamit ng maayos at mapayapang nuclear energy, at ang membership ng Pilipinas sa Minerals Security Partnership Forum.

Inihayag ng Pangulo na kaniyang binigyan ng update sina Pres. Biden at Prime Minister Kishida hinggil sa mga panibagong developments sa West Philippine Sea partikular sa Ayungin Shoal.

Kanila din pinagtibay sa trilateral meeting na magiing mapayapa, ligtas at progresibong Indo-Pacific region.

“We explored ways of enhancing our cooperation in a number of areas of mutual concern, including in enhancing economic resilience and security, promoting inclusive growth and development, addressing climate change, and maritime cooperation,” pahayag ni Pang. Marcos.

Habang nasa Washington D.C., nakipagpulong din ang Pangulo kay U.S. President Biden at U.S. Defense Secretary Lloyd Austin III.

Siniguro din ng Pangulo ang kahandaan ng Pilipinas sa pamumuhunan mula sa mga kumpanya gaya ng Ultra Safe Nuclear Corp. at Google.