Dismayado ang mga mambabatas sa hindi pagsipot ni Vice President Sara Duterte sa budget deliberation sa plenaryo ng Kamara na tinaguriang ikalawang pinaka mataas na opisyal ng bansa.
Unang nagbigay ng kaniyang privilege speech si Rep. Gabriel Bordado kaugnay sa hindi pagiging transparent sa paggasta ng pondo ng Office of the Vice President.
Ayon naman kay Gabriela Partylist Rep. Arlene Brosas na hindi katanggap-tanggap ang hindi pagsipot ni VP Sara sa budget deliberations, maituturing itong isang pambabastos lalo at ang tinatalakay ay ang pondo ng kaniyang opisina na galing sa kaban ng bayan.
Sinabi ni Brosas ang mga aksiyon na ginawa ng pangalawang pangulo ay hindi kaaya-aya, hindi man lamang ito nagpadala ng mga authorized representatives para dumalo sa pagtalakay sa kanilang pondo.
Ipinunto ni Brosas na isang duty ang pagsagot sa tanong sa budget deliberations dahil pera ito ng taong bayan ang pinag uusapan hindi umano ito choice na pwedeng ipagpaliban o ipaubaya na lamang at hindi pwede gamitin ang tradisyon para takasan ang pagsagot kung paano ginastos ang pondo.
Nagbigay din ng kani-kanilang pahayag sina Rep. Raoul Manuel at Rep. France Castro.
Sa kabilang dako, hindi na hinintay pa ng Kamara ang pagdating ng bise presidente kayat sinimulan na ang pagtalakay sa 2025 OVP budget.
Ayon kay Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong na siyang sponsor ng budget.
Batay sa committee report ng Appropriations panel tinapyasan ang pondo ng OVP ng nasa P1.3 Billion at binigyang lamang ito ng mahigit P733 million para sa fiscal year 2025.