Dinipensahan ni Pang. Ferdinand Marcos Jr ang hindi pagbibigay ng zero budget sa Philhealth.
Sa panayam kay Pang. Marcos sa Malakanyang, kaniyang sinabi na marami kasing reserbang pondo ang Philhealth na nagkakahalaga ng P500 bilyong piso.
Ang serbisyo lamang ang kailangang pondohan ng Philhealth sa loob ng isang taon ay hindi aniya hihigit sa P100 billion.
Ang gastusin naman aniya ng Philhealth ay higit P100 bilyong piso lamang kaya malaki pa rin ang matitirang reserbang pondo nito.
Dahilan na binawi ng Department of Finance ang pondo ng Philhealth dahil sa nagdaan aniyang dalawang taon ay malaki ang hindi nagamit dito.
Dahil dito ang subsidiya aniya ng gobyerno sa Philhealth ay nati tengga lamang sa bank account nito.
Naniniwala ang pangulo na kayang kaya ng philhealth na tugunan at sustensuhan ang lahat ng kanilang gastusin, serbisyo at pangangailangan.