-- Advertisements --

Marcos on World Economic Forum 2

Inanyayahan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na dumalo sa World Economic Forum sa Davos, Switzerland.

Sinabi ng Office of the Press Secretary (OPS) na ginawa ng World Economic Forum founder ang imbitasyon sa isang breakfast meeting kasama ang pangulo.

Ang pagdalo ni Marcos sa World Economic Forum ay magsisilbing “isang magandang pagkakataon upang ipaalam sa global business community ang tungkol sa dynamism at positibong pag-unlad na nangyayari sa Pilipinas sa hangaring makaakit ng mas maraming mamumuhunan.

Ang World Economic Forum ay isang non-profit foundation na nakikipag-ugnayan sa pampulitika, negosyo, kultura, at iba pang mga pinuno ng lipunan upang hubugin ang mga pandaigdigang agenda.

Ito ay itinatag noong 1971 at ang headquarter nito ay matatagpuan sa Geneva, Switzerland.

Samantala, sinabi ng Malacañang noong Biyernes na gagawa si Marcos ng state visit sa China sa unang bahagi ng Enero.

Kinumpirma ng gobyerno ng China ang January 3 hanggang 5 o 6 na iskedyul para sa state visit.