Ipinag-utos ni Pang. Ferdinand Marcos Jr., ang pag streamline sa proseso sa mga permit sa mga infrastructure flagship projects (IFPs) na layong bilisan ang implementasyon nito.
Partikular na tinukoy ng Pangulo ay ang streamlined requirements para sa IFPs at ang simplification at streamlining process.
Sa inilabas na apat na pahinang Executive Order No. 59 na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas P. Bersamin nuong April 30, 2024, binigyang-diin ni Pang. Marcos ang pangangailangan na palawakin at i-update ang infrastructure ng bansa upang makamit ang isang makabuluhang economic transformation.
Ayon sa Punong Ehekutibo sa kasauluyan nasa 185 IFPs na inaprubahan ng National Economic and Development Authority (NEDA).
Sinabi ng Pangulo na ang EO 59 ay applicable o nalalapat sa lahat ng ahensya ng pambansang pamahalaan, kabilang ang mga korporasyong pagmamay-ari o kontrolado ng gobyerno at iba pang instrumentalidad ng gobyerno, mga local government units (LGUs) na sangkot sa pag-iisyu ng mga lisensya, clearance, permit, sertipikasyon o awtorisasyon na kinakailangan para sa aprubadong listahan ng mga IFP.
Ang isang kopya ng EO 59 ay makukuha sa Opisyal na Gazette kung saan nakasaad ang iba pang mga sugnay tulad ng mga proseso para sa online at/o elektronikong pagsusumite at pagtanggap, sabay-sabay na pagproseso ng mga aplikasyon, digital na bayad sa pagbabayad, at aksyon sa aplikasyon.
Ang EO ay magkakabisa kaagad pagkatapos mailathala sa Opisyal na Gazette, o sa isang pahayagan na may pangkalahatang sirkulasyon.