Iniutos na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos jr na magkaruon ng Inter Agency Task Force na tututok sa insidente ng oil spill sa lalawigan ng Bataan.
Ipinag-utos din ng Presidente ang paglalatag ng organic oil spill booms sa Bataan, Bulacan at Pampanga.
Sa situation briefing na pinangunahan ng Pangulo sa Provincial Capitol ng Bulacan, sinabi nitong mabuting magkaruon ng inter agency task force para mapagtulung- tulungan ng ibat- ibang ahensiya ang anomang concern na dapat tugunan kaugnay ng insidente.
Ayon sa Presidente Ang Office of the Civil Defense ang magsisilbing lead agency habang Kasama din sa Task Force ang Coast Guard at DILG.
Ito’y para aniya maging well coordinated ang galaw ng mga kinauukulang Local Executives kasama din ang DENR at ang Department of Health gayung kabilang sa pinatututukan at pinababantayan ng Pangulo ang aspeto ng kalusugan at ang environmental concern.