Dumalo si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa ceremonial turnover ng mga bagong C295 Medium Lift Aircraft at Capability Demonstration Flight ng FA-50PH na isinagawa sa Clark Air Base sa Pampanga.
Opisyal ng tinurn over sa Phil government ang C-295 Medium Lift Aircraft na isa sa 3 units na binili mula sa bansang Spain sa pamamagitan ng Modernization Program ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
“As we accept and bless this new C295 medium airlift, may your passion to defend the country and to serve the Filipino people deepen as we strive to maintain the peace that we have fought so hard to achieve,” pahayag ni Pangulong Marcos Jr.
Ang nasabing C295 ay manufactured ng Airbus Defence and Space.
Ang twin-turboprop transport aircraft ang siyang pinakabagong generation na tactical airlifter sa light and medium segment na magagamit sa ibat ibang misyon gaya ng medical evacuation, paradrop/airdrop, civic and humanitarian airlift mission at iba pa.
Malaking tulong ang C295 sa misyon ng PAF.
Sa talumpati ng Pangulo, nagpahayag ito ng kanyang pasasalamat sa bansang Espanya sa kanilang tulong sa pagbili ng bagong C295 at sa pagpapalakas ng posisyon ng bansa sa larangan ng depensa.
Binigyang-pansin din ng Pangulo ang kahalagahan ng pagtiyak sa kaligtasan ng mga assets ng Air Force at ang kaugnay na pagsasanay ng mga crew at kawani upang mapanatiling ligtas ang lahat.
Inulit ng Pangulo ang pangako ng administrasyon na pagpapatuloy sa pagpapalakas ng kakayahang pangdepensa ng bansa.
“While these equipment will boost the readiness of our Air Force to respond to any contingency, there is still a need to further improve our capabilities to effectively cover our territory. Equally important is to ensure the airworthiness of Air Force assets and the corresponding training of crew and personnel to guarantee the safety of all,” punto ni Pang Marcos Jr.