Pinayuhan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Representative Arnolfo Teves na bumalik na ng bansa dahil wala namang banta sa kaniyang buhay.
Sinabi ng Pangulo kaya naman bumalik ng bansa ni Teves anumang oras.
” Mayaman ka naman, may private jet ka naman. Kung gusto mo maglanding ka sa Basa Air Base. Papaligiran natin ng sundalo, walang makakalapit isang kilometro,” pahayag ni Pangulong Marcos Jr.
Itinanggi ng Pangulo na siya ay na “Frame-up” sa pagpatay kay Gov. Roel Degamo at maging e-sabong.
Sabi ng Pangulo habang tumatagal lalong mas humihirap ang kaniyang sitwasyon.
Kaya payo ni Marcos kung mas maaga siyang makauwi mas marami siyang option.
Pero pagka masyado ng late, wala na at mapipilitan na ang gobyerno na gumawa ng hakbang.
Sa ambush interview sa Pangulo, sinabi nitong walang ibang puno’t dulo sa sitwasyon ngayon ng Kongresista kundi ang pagkamatay ng gobernador at hindi ang E- sabong.
Base kasi sa alegasyon ni Teves, may mga nagkakainteres sa Palasyo patungkol sa operasyon ng E-sabong na kung saan, dati siyang nag operate ng electronic cock-fighting.
“But anyway, if to reassure him, we’ll provide all kinds of security kung anong gusto mo. Mayaman ka naman. May private jet ka naman eh. Mag-landing ka kung saan mo gusto, papaligiran – sa Air Force base. Mag-landing siya sa Basa, papaligiran natin ng sundalo, walang makalapit na isang kilometro. So that – that will guarantee his security,” pahayag ni Pang. Marcos Jr.