-- Advertisements --

Ikinagalak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang naging desisyon ng European Commission na bigyan ng extension ang certification ng mga Filipino seafarers ng gayon makapag trabaho pa ang mga ito.

Siniguro ng Pangulo na gagawin ng kaniyang administrasyon ang lahat upang mabigyan ng solusyon ang mga isyung kinakaharap ng maritime industry ng sa gayon patuloy ang bansa na makapag produce ng mga worl-class at magagaling na mga seafarers sa buong mundo.

Nasa 15 taon nang kinaharap ng mga seafarers ang problema sa maritime sector.

Kaya nuong magtungo ang Pangulo sa Brussels, Belgium agad ito nakipag pulong kay EU President Ursula von der Leyen upang talakayin ang nasabing problema.

Tinatayang nasa 50,000 na mga Pinoy seafarers ang nanganganib na mawawalan ng trabaho kapag natuloy ang ban.

” Labis kong ikinagagalak na nabigyan ng extension ng European Commission ang ating mga seafarers sa kanilang certification upang patuloy silang makapagtrabaho,” pahayag ni Pang. Bongbong Marcos Jr.