Ipinag utos ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. sa mga government agencies na simulan na ang clean-up operation bunsod sa nangyaring oil spill sa Oriental Mindoro at tiniyak na mabibigyan ng tulong ang mga apektadong komunidad sa pamamagitan ng cash-for-work program.
Nagpasalamat ang Pangulo sa bansang Japan na nagpadala ng tulong para tugunan ang problema sa oil spill at maging ang mga private corporations na na nagpadala rin ng kanilang mga equipment.
Natukoy na din ng mga otoridad ang lokasyon ng lumubog na tanker.
Sa ngayon binabantayan ng gobyerno ang mga fishing sanctuaries at tourist areas ng sa gayon agad makapag sagawa ng clean-up drive.
Sabi ng Pangulo, sa ngayon habang hindi pa makapangisda ang mga lokal na residente, ita-tap ang kanilang serbisyo sa pamamagitan ng cash- for-work program sa clean-up drive ng sa gayon mayroon silang mapagkakakitaan.
Umaasa ang pangulo na ma contain ang oil spill ng sa gayon bumalik na sa normal ang pamumuhay at kondisyon ng mga apektadong komunidad.
Nasa walong bayan pa sa probinsiya ng Mindoro ang isinailalim sa state of calamity.