Ipinag-utos na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.ang pagtatatag ng Philippine Heart Center Annex sa Clark Freeport Zone sa Pampanga.
Ito’y matapos lagdaan ng Pangulo ang Executive Order No. 19 nuong March 8,2023.
Layon ng nasabing kautusan ilapit sa mamamayang Pilipino ang de kalidad na pangangalagang pangkalusugan partikular sa specialized medical services para sa prevention at treatment ng cardiovascular diseases.
Nabanggit sa EO No.19 na karamihan sa mga Pilipinong dumaranas ng cardiovascular disease ay kailangang maglakbay sa Metro Manila kung saan matatagpuan ang Philippine Heart Center.
Nakapaloob din sa EO na ideal place ang Pampanga sa pagtatatag ng PHC annex dahil ang Clark Freeport Zone ay siyang gateway sa Central Luzon.
Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority, ang cardiovascular diseases ang siyang nangungunang sanhi ng pagkamatay sa bansa as of October 31, 2022.
Inaatasan din ang PHC na siyang magtatag at mamahala sa PHC Clark at magpatuoad ng mga panukalang programa na naayon Philippine Health Facility Development Plan 2020-2040 sa pakikipagtulungan sa Department of Health (DOH) at iba pang government agencies.
Kukuhanin ang pondo para sa pagtatatag ng PHC Clark mula sa available appropriations ng DOH o sa annual corporate operating budget ng PHC o maaari din silang makipag kasunduan sa ibang government agencies.