Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ipagpapatuloy ng kaniyang administrasyon ang mga hindi natapos na proyekto ng nagdaang liderato partikular ang mga infrastructue projects.
Kung maalala, nasa 194 “high-impact” infrastructure projects ang inaprubahan ng gobyerno na nagkakahalaga ng P9-trillion.
Sa nasabing proyekto 70 dito ay ipinanukala ng nagdaang Duterte administration.
Sa isang pahayag ng Pangulo kaniyang sinabi, na may ugali dito sa ating bansa na kapag nagbago ang administrasyon tinitigil ang mga magandang prokyekto.
“Hindi tama yun,hindi iyan ang pag-iisip na magdadala sa atin sa isang bagong Pilipinas. Kung masusi naman ang pag-aaral at talagang may pakinabang ay talagang dapat ituloy,” pahayag ng Pangulong Marcos Jr.
Binigyang-diin din ng Pangulo na nais nitong mapabuti ang digital connectivity, flood control, irrigation, water supply, health, power and energy infrastructure sa Pilipinas.
“Ang moderno at mas matibay na imprastraktura ay maghihikayat ng mas maraming investors sa ating bansa. Ito pong mga negosyanteng ito ay magdadala ng daang-libong trabaho sa atin at bilyong-bilyong kita sa ating bansa,” dagdag pa ng Pangulo.
Inayos na rin ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang mga alituntunin para sa mga joint venture programs para maging “mas kaakit-akit” ang Pilipinas sa mga mamumuhunan.