-- Advertisements --

Kinansela ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang kanyang nakatakdang biyahe sa Dubai para sa World Climate Action Summit (COP28).

Ito ay dahil magfofocus muna ang presidente ukol sa mga pangyayaring nakapaligid sa 17 Filipino seafarers na na-hostage sa Red Sea.

Ginawa ni Marcos ang anunsyo isang oras bago ang kanyang nakatakdang flight papuntang Dubai ngayong araw.

Sinabi ng Pangulo na magpapadala siya ng delegasyon sa Iran para tulungan ang mga nasabing 17 mga seafarers.

Ayon kay Marcos, ipinagkatiwala niya kay Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Ma. Antonio Yulo-Loyzaga na pamunuan ang delegasyon ng COP28.

Kaugnay nito ay matatandaan na noong nakaraang linggo, tiniyak ni Pangulong Marcos sa publiko na ginagawa ng gobyerno ang lahat para matiyak ang kaligtasan ng 17 Filipino seafarers na hostage ng mga rebeldeng Houthi sa Yemen.

Una na rito, ang mga awtoridad ng Israel noong katapusan ng linggo ay nag-ulat na ang isang cargo vessel na pagmamay-ari ng Britain na pinamamahalaan ng isang kumpanyang Hapones ay sinalakay ng armadong grupo sa Red Sea.