Ikinukusidera ngayon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na maginvest sa “cutting-edge” micro nuclear fuel technology bilang bahagi sa hakbang ng gobyerno na tugunan at masolusyunan ang powers crisis sa bansa.
Ito’y matapos makipag pulong ang chief executive sa sa mga matataas na opisyal ng Ultra Safe Nuclear Corporation, isang US-based firm global leader and vertical integrator ng nuclear technologies and services.
Sa pulong sa Washington, sinabi ni Francesco Venneri, CEO ng Ultra Safe Nuclear Corporation, na kanilang kinukunsidera ang magtayo ng facilities sa Southeast Asia partikular sa Pilipinas na magdadala ng clean and reliable nuclear energy sa bansa.
Ayon kay Venneri nais nilang makatulong sa problema ng blackouts sa ibat ibang bahagi ng bansa.
Ang micro modular reactor (MMR) energy system ay isang fourth generation nuclear energy system nagdi deliver ng safe, clean, and cost-effective electricity sa mga users.
Ang pagtiyak ng sapat na supply ng enerhiya kasabay ng pagsulong at paggamit ng renewable energy sources ay mga pangunahing priyoridad ng administrasyong Marcos sa isang agresibong hangarin na magkaroon ng sapat at malinis na supply ng enerhiya sa hinaharap.