-- Advertisements --

 
Muling binigyang-diin ni Pang. Ferdinand Marcos Jr., ang kaniyang paninindigan na makikipaglaban ito para sa soberenya ng Pilipinas hanggang sa pinaka huling square millimeter.

Ginawa ng Pangulo ang pahayag ng magsalita ito sa 21st edition ng International Institute for Strategic Studies (IISS) Shangri-La Dialogue sa Singapore.

Ayon sa Presidente dahil sa malinaw na moral ascendancy, lalong lumalakas ang Pilipinas upang gawin ang anumang kinakailangan upang protektahan ang soberanya ng bansa hanggang sa huling pulgadang parisukat, hanggang sa huling milimetro kwadrado.

Sa kanyang pangunahing mensahe, sinabi ni Pangulong Marcos na ang Pilipinas ay mananatiling nasa frontline ng mga pagsisikap na igiit ang integridad ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).

Binigyang-diin ng Presidente na ang pagtukoy ng Pilipinas sa teritoryo at martime zone nito ay angkop at naaayon sa batas na miyembro ng international community.

Dagdag pa ng Pangulo ang mga linya na iginuhit sa katubigan ng Pilipinas ay hindi nagmula sa imahinasyon lamang kundi naaayon sa international law.

Pumanig sa Pilipinas ang 1982 UNCLOS at ang 2016 Arbitral Award, ito ay nagpapatunay na may legal na karapatan ang bansa.

Binigyang-diin ni Pang. Marcos na mananatili siyang nakatuon sa kanyang taimtim na pangako mula sa unang araw na manungkulan siya.

Aniya, ang gobyerno ng Pilipinas at ang sambayanang Pilipino ay hindi susuko at hindi susuko sa China.