-- Advertisements --

Bilang pagkilala sa sakripisyo ng mga Filipino war veterans at mga retiradong sundalo ng Armed Forces of the Philippines (AFP), bumisita si Pangulong Bongbong Marcos ngayong araw sa Renal Dialysis Center ng Veterans Memorial Medical Center o VMMC.

Ito ay bahagi ng paggunita sa Araw ng Kagitingan ngayong araw.

Nag-donate naman ang Pangulo ng P150 million pesos sa VMMC para pambili ng Magnetic Resonance Imaging o MRI Machine.

Nasira na raw kasi ang nag iisang MRI ng nasabing hospital noong nakalipas na taon.

Ang dialysis center ng VMMC ay nagseserbisyo sa mahigit 200 pasyente na binubuo ng mga world war 2 veterans, mga retiradong military personnel kasama ang kanilang mga dependents, at nagbibigay din ng libreng serbisyo at gamot.

Samantala plano rin ng VMMC na mag expand para mas maraming ma-accommodate na hemodialysis patients.

Itinataguyod din nila ang pagtatayo ng kidney transplantation center sa susunod na tatlo hanggang limang taon.

Noong nakaraang taon, nakapag serbisyo ang VMMC sa 8,977 in-patients at 234,699 outpatients.