Nagsasagawa ng aerial inspection si Pangulong Ferdinand Marcos jr. sa bahagi ng Calabarzon partikular sa lugar ng Batangas at Cavite na hinagupit din ng Bagyong Krsitine.
Matapos ang situational briefing sa Palasyo ng Malakanyang, bandang ala-1:00 ng hapon kanina nang lumipad ang helicopter na sinasakyan ng pangulo kasama sina DILG Secretary Jonvic Remulla at DPWH Secretary Manuel Bonoan.
Layon ng nasabing aerial inspection ng Pangulo ay upang personal na makita ang sitwasyon at pinsalang idinulot ng bagyong kristine ng sa gayon mailatag kung anong diskarte ang kailangang gawin para tugunan ang problema.
Ilan sa mga lugar na iniikot ng pangulo kasama ang ilang miembro ng gabinete at media sakay ng presidential helicopters ay sa NCR partikular sa may Pasig area; Lipa, Lemery, at Nasugbu sa Batangas; at sa Noveleta, Cavite.
Kasama ni Pang. Marcos sa aerial inspection sina DILG Sec. Jonvic Remulla, Department of Agriculture Sec. Francisco Tiu Laurel, NIA administrator Eduardo Guillen at DPWH Sec. Manuel Bonoan.