Nagsagawa ng aerial inspection si Pangulong Bongbong Marcos sa may bahagi ng floodway sa Rizal na isa sa mga lugar na pinaka apektado ng nagdaang super typhoon Carina at Habagat.
Ayon sa Presidential Communications Office, layon ng inspection ng Presidente ay para i-assess ang lawak ng pinsala na iniwang ng bagyo ng sa gayon matugunan agad ito ng pamahalaan.
Pagkatapos ito nang isinagawang situation briefing ng Pangulo sa bayan ng Mauban sa Quezon province.
Kahapon nagsimula ang pag-iikot ng Pangulo sa mga lugar na binaha, unang tinungo nito ang Valenzuela City at sumunod ang Navotas City.
Inalam rin ng Presidente ang lagay ng mga residente sa San Mateo Rizal at isinabay na rin ang pamimigay ng mga family food packs.
Sa tala ng Public Information Office ng San Mateo, nasa mahigit 13,000 individuals o mahigit tatlong libong pamilya ang nanatili sa mga evacuation sa kanilang lugar.
Nabatid naman na umakyat na sa siyam ang bilang ng mga nasawi sa CALABARZON dahil sa pananalasa ng Carina at Habagat.