Nananawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Kongreso na magpasa ng mga panukalangg batas na susuporta sa adhikaing makalikha ng mas marami at de kalidad na trabaho.
Kabilang dito ang enterprise -based education and training program law, revised apprenticeship program act, ang create more jobs law o ang batas sa corporate recovery and tax incentive for enterprises.
Sinabi ng Punong Ehekutibo na layon ng mga panukalang batas na ito na mabuksan ang mga oportunidad para sa mas masiglang ekonomiya.
Samantala, may nauna nang kautusan ang Pangulo sa National Wages and Productivity Commission na pag aralan ang kanilang mga panuntunan para matiyak na ang Regional Tripartite Wages and Productivity Boards ay nagagawang mapanatili ang kanilang regular na schedule ng wage review, pagpapalabas ng wage order sa tamang panahon, at palakasin ang pagiging patas nito sa lahat ng stakeholders upang mabawasan ang mga alalahanin ng lahat ng sektor ng paggawa.
” I call on Congress to pass laws that will support the attainment of our jobs creation agenda, including the Enterprise-based Education and Training Program law, the Revised Apprenticeship Program Act, and the CREATE MORE law or the law on Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises to Maximize Opportunities for Reinvigorating the Economy,” pahayag ni Pang. Marcos Jr.