Pinaalalahanan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang mga ahensiya ng gobyerno na gamitin nang tama ang pambansang budget para sa susunod na taon.
Sa talumpati ng chief executive matapos lagdaan at pagtibayin ang 2024 general appropriation act na nagkakahalaga ng P5.768 trilyong piso.
Sinabi ng Pang Marcos ang pondong ito ay marapat lamang ibalik sa mga Pilipinong nagbabayad ng tamang buwis o ang mga taxpayer.
Pagbibigay diin ng Pangulo na kailangan aniyang maibalik din sa mga taxpayer ang mga buwis na kanilang binayaran, sa pamamagitan ng programa at proyektong kapaki pakinabang.
Binigyang-diin ng Presidente na hindi aniya dapat na ma overspent o underspent kundi tama lamang.
Kabilang aniya sa mga dapat puntahan ng budget na ito ay ang mga programa para labanan ang kahirapan, magsusulong ng edukasyon, mga programang titiyak sa kaligtasan ng ating border , paglikha ng de kalidad na trabaho at pagbibigay ng pangkabuhayan sa maraming mga pilipino.
Kasama rin aniya rito ang mga proyektong lilikha ng maraming kalsada para buksan sa pag unlad ng mga liblib na lugar, mga ospital at eskwelahan para ma transform ang bansa at mga pilipino sa mas maunlad na bansa at mas magandang buhay.
Ang pambansang pondo ay hindi lamang sa operasyon ng gobyerno kundi isa itong paraan para maging makatotohanan ang mga pangarap para sa mga Pilipino.