ILOILO CITY – Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang pagbibigay ng P177 million na halaga ng assistance sa mga nabiktima ng Bagyo Paeng sa Antique.
Ayon kay Marcos, ang nasabing hakbang ay bahagi ng misyon ng kanyang administrasyon na patuloy na tulungan ang mga pamilya na apektado ng bagyo.
Ito ay ginanap sa San Jose de Buenavista, Antique.
Libo-libong benefeciaries naman mula sa iba’t-ibang bayan sa lalawigan ang nakatanggap ng P5,000 mula sa gobyerno.
Kabilang naman sa relief aid ay ang food packages at hygiene kits.
Tinatayang 100 naman na mga beneficiaries ang nakatanggap ng livelihood grants sa ilalim ng Department of Social Welfare and Development Sustainable Assistance Program.
Samantala, labis naman ang pasasalamat ni Antique Governor Rhodora Cadiao sa pagpunta ng pangulo sa Antique.
Ayon kay Cadiao, kahit na maliit lang na lalawigan ang Antique, ngunit naglaan ang pangulo ng panahon upang personal na maipaabot ang tulong ng gobyerno sa mga nasalanta ng bagyo.
Anya kahit na abala ang pangulo, hindi nito kinaligtaan ang Antique na labis na nasalanta ng bagyo.
Napag-alaman na mahigit sa 43,000 pamilya mula sa 500 barangays sa Antique ang naapektuhan ng Bagyo Paeng.
Sa 36 naman na naitalang patay sa Western Visayas, 13 ang nagmula sa Antique.