Pinasisiguro ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa mga National Irrigation Administration (NIA) at maging sa ibat ibang concerned agencies na tiyakin na mayruong sapat na suplay ng tubig ang Occidental Mindoro kasunod ng nararanasang tagtuyot na dulot ng El Nino Phenomenon.
Sinabi ng Pangulo na kanilang minamadali ang pagkaroon ng solar pumps at maging ang dam dahil kahit mahina ang ulan ay mapagkukunan ng tubig ang mga magsasaka.
Binigyang-diin naman ng Punong Ehekutibo na mahalaga na magkaroon ng close coordination ang national government at ang local government units para lalong mapabilis ang pamamahagi ng tulong sa ating mga kababayan.
Siniguro naman ng Pangulo na marami pa ring mga lugar ang may sapat na suplay ng tubig kayat tumataas ang kanilang ani.
Subalit may mga lugar na talagang naapektuhan ng tagtuyot kaya ito ang binibigyang pansin ng pamahalaan.
Sa pagbisita ng Pangulo sa Occidental Mindoro namahagi ito ng tulong sa mga magsasaka at mangingisda duon.