Positibo ang tugon ni Pang. Ferdinand Marcos Jr., hinggil sa survey na tumaas sa 36 percent ang sumusuporta sa Marcos administration.
Ayon sa Presidente isang magandang balita ito dahil nagsisimula ng maintindihan ng taong bayan ang ginagawa ng gobyerno.
Siniguro ng Pangulo na patuloy niyang ipursige ang mga magagandang programa at proyekto para pagandahin ang buhay ng sambayanang Filipino.
Binigyang-diin ng Pangulo na good news ang balita lalo at marami ang sumusuporta.
Batay sa latest OCTA survey,si Pang. Marcos at ang kaniyang administrasyon nakakuha ng highest support mula sa mga Filipinos na nakatira dito sa Metro Manila na nasa 43 percent, sumunod ang Luzon na nasa 42 percent at Visayas na nasa 32 percent habang sa Mindanao ay nasa 25 percent.