Hindi na kailangan pa ng direktiba mula kay Pang. Ferdinand Marcos ang mga concered government agencies sa tuwing may mga kalamidad o sakuna.
Dahil batid na ng iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan ang kanilang dapat gawin kaugnay sa sitwasyon sa Bulkang Taal, kasunod na rin ito ng naitalang pagsabog ng bulkan, alas 4:30 kahapon (October 3).
Ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., mayroon namang standard operating procedure (SOP) na sinusunod ang gobyerno anomang sakuna o kalamidad ang tumama o pumasok sa bansa.
Sabi ng pangulo, sila sa National Government, mahigpit ang ginagawang pagbabantay sa pinakahuling aktibidad ng Bulkang Taal, at tutugon aniya ang pamahalaan, kung ano ang kinakailangan on ground.
Pagtitiyak ng pangulo, eksperto at alam na ng mga tauhan ng pamahalaan na nakatutok sa Bulkang Taal ang dapat gawin.
Sa oras naman aniya na makakita ng unang sensyales na kailangan nang ilikas ang mga residente na malapit sa bisinidad ng bulkan, agad itong gagawin ng gobyerno.
Dahil dito sabi ng Pangulo hindi na kailangan pa bigyan ng direktiba ang mga concerned agencies.