Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa hanay ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na kabilang sa prayoridad ng kanyang Administrasyon ang masigurong nasa maayos ang kalagayan at kapakanan ng mga sundalo.
Ayon sa Pangulo, titiyakin niyang naibibigay sa mga kawal ang pangangailangan nito lalot may kinalaman sa pangkalahatang kalusugan at kagalingan upang magampanan ng epektibo ang kanilang mga tungkulin.
Ginawa ng Pangulo ang pahayag sa gitna na din ng pagkilala sa aniyay walang kapantay na dedikasyon na iniuukol ng mga sundalo para sa bayan.
Kasama rin sa mensahe ng Presidente ang pagnanais para sa mas matatag na AFP kabilang ang Phil Air force na magsisilbing matibay na pundasyon sa national defense.
Hinikayat din ng Pangulo ang bawat Isa na magkaisa upang Hindi lamang para maging pangarap ang mas mapayapa at mas progresibong bukas kundi itoy para makamit alang- alang sa mga Pilipino.