-- Advertisements --
PBBM OFW ZURICH 1

Kumpyansa si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ang Pilipinas ay kumikilos sa tamang direksyon habang ito ay patuloy na bumabangon.

Sinabi ito ni Marcos matapos iulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) na ang Pilipinas ay nakapagtala ng 7.6 porsiyentong buong taon na paglago noong 2022, ang pinakamataas sa loob ng 46 na taon mula nang magtala ang bansa ng 8.8 porsiyentong paglago noong 1976.

Malugod na tinanggap ng Pangulo ang pag-unlad na ito, sinabing ang Pilipinas ay lumampas sa inaasahan.

Gayunpaman, sinabi ni Marcos na hindi pa natatamasa ng ibang sektor ang paglago ng ekonomiya dahil sa inflation.

Samantala, sinabi ng Pangulo na inaasahan ng kanyang administrasyon na bababa ang inflation rates, lalo na sa mga agricultural products, sa pagtatapos ng Second Quarter.

Umaasa rin siya na bababa sa apat na porsyento ang inflation rate ng bansa sa ikatlo o ikaapat na quarter ng taong ito, ayon sa pagtataya ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Upang makamit ito, binigyang-diin ni Marcos ang pangunahing layunin ng kanyang administrasyon na makaakit ng mga foreign investors upang mapanatili ang naturang paglago at pag-unlad.