-- Advertisements --
image 412

Positibo si Executive Secretary Lucas Bersamin na maaabot ang ipinangako ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na maibaba sa P20 kada kilo ang presyo ng bigas sa bansa.

Subalit paglilinaw ng opisyal na hindi nito sinasabi na madali o matagal itong maaabot.

Naniniwala kasi ang opisyal na hangga’t ginagawa ng pamahalaan ng tama ang mga hakbang para maabot ang hangaring ito, hindi malayong mangyayari din ito.

Saad pa ng executive Secretary na ginagawa ng pamahalaan ang lahat ng efforts nito para mapalawig pa ang production levels sa mga lugar na kilala sa pag-produce ng bigas para maabot ang naturang hangarin.

Binanggit din ng opisyal na may ibang factors na ikinokonsidera gaya ng weather conditions , climate change at El Nino phenomenon na maaaring direktang makaapekto sa agricultural production sa bansa.

Hindi naman na binanggit pa ng opsiyal ang timeline sa pagpapababa ng presyo ng bigas sa P20 kada kilo.

Subalit inihayag nito na nakasalalay ang hangaring ito sa pagsasaayos ng value chain o serye ng pagproduce ng produkto o serbisyo na ibebenta sa mga konsumer.