-- Advertisements --

LAOAG CITY – Labis na saya ang nararamdaman hanggang ngayon ng mga Pilipino sa Switzerland matapos ang tagumpay na pakikipagpulong ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. sa Filipino Community.

Ayon kay Bombo International News Correspondent Devota Raymond sa Switzerland, sobrang saya nilang Pilipino lalo na nang sinabi ng pangulo na King and Queen of Overtime ang mga Pilipino at ito mismo ang nagustuhan ng mga ibang lahi sa mga OFWs na hindi nagrereklamo sa trabaho.

Sinabi ni na isa sa mga pangako ni Marcos sa mga OFWs na kapag nakaahon na ang Pilipinas ay pwede na silang umuwi sa bansa at magbagong buhay dito, at hindi na malayo sa kanilang pamilya.

Isa rin umano sa sinabi ng pangulo sa kanila ay marami ang interesado na magpuhunan dito sa Pilipinas.

Hinggil dito, sinabi ni Raymond na wala namang nagiging problema ang mga Pilipino sa Switzerland.

Samantala, sinabi ni Mrs. Raymond na matapos ang speech ng Pangulo at bumaba para makalapit sa mga Pilipino ngunit hindi ito nabigyan ng pagkakataon na makapicture.

Ganunpaman, ipinagmalaki nito na nahawakan nito ang kamay ng Pangulo at nasabi niya rito at sa First Family na magkakabayan sila sa Batac City.