-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Naipamigay na umano ang ayuda mula sa probinsya para sa mga nasalanta ng lindol sa bayan ng M’lang, Cotabato.

Aabot sa P3,033,000 ang naipamahagi ng provincial government bilang tulong para sa mga biktima noong nakaraang lindol.

Sa tala ng PDRRMO, ay nabigyan ang 959 benipisaryo para sa partially damage household ng tig-P2,000 at tig-P2,500 natanggap ng 446 benipisaryo para sa mga totally damage household.

Ang financial distribution ay sinaksihan ni 3rd district Board Member Jonathan Tabara, at binigyang diin na sa pagtutulungan ng punong ehekutibo ng probinsya at sangguniang panlalawigan members ang programang ito ay matagumpay na nailunsad at maipamahagi.

Pinangunahan ang distribusyon ng PDRRMO, Barangay affairs office, MDRRMO at ng provincial treasurer’s office.