LAOAG CITY – Kinumpirma ni Mr. Gervy James Gumarit, ng Provincial Communications and Media Office na may mga natatanggap silang reports na mayroon umanong gumagamit sa pangalan ni Gov. Matthew Marcos Manotoc para sa fake reservations o bookings sa mga restaurants at iba pang establishimento ditto sa Ilocos Norte.
Ayon kay Gumarit, nakipag-ugnayan na sila sa Ilocos Norte Police Provincial Office para sa pagsasagawa ng imbestigasyon.
Hinihikayat rin nito ang publiko na agad na ireport sa mga otoridad kung may pinaghihinalaang transaksyon.
Sinabi nito na mainam na iberipika muna sa Ilocos Norte Tourism Office bago ikumpirma ang booking requests dahil dumadaan umano lahat ito sa official communication channels and representatives.
Dagdag nito na kapag may pinaghihinalaan ay tumawag lamang sa mga numerong 0905 898 8683 para masigurado at huwag mabiktima ng mga nananamantala.