Iginiit ni dating Philippine National Police (PNP) chief Police General Oscar Albayalde na hindi niya nakita ang pangalan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa dating drugs watchlist ng nakalipas na Duterte administration.
Maalalang ang naturang watchlist ay kinapapalooban ng mga government official, PNP general, atbpang high-profile personalities.
Sa isang panayam, sinabi ni Albayalde na masyadong makapal ang naturang listahan nang kanya itong makita.
Wala din umano siyang kopya nito, noong hindi pa siya nagreretiro.
Si Albayalde ang nagsilbing ikalawang Police General sa ilalim ni dating PRRD, sunod kay dating PNP Chief ay ngayo’y Senator Ronald De la Rosa.
Maalaalang naging kontrobersyal ang umano’y kaugnayan ni PBBM sa iligal na droga matapos lumabas ang isang video na umano’y nagpapakita ng isang indibidwal na kawangis ni Pang. Marcos na gumagamit ng iligal na droga.
Kinalaunan tinukoy din ng PNP at National Bureau of Investigation ang naturang video bilang fake o peke.