KORONADAL CITY – Dumulog sa himpilan ng Bombo Radyo Koronadal ang grupo ng mga investors upang ireklamo ang isa umanong coordinator na nangolekta ng kanilang pera kapalit ng pangako na 100 percent money back gurantee.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay alyas Inday, isa lamang sa mga investors sa South Cotabato, hinikaya’t siya ni Jenny Baylosis Billanes na mag-invest ng pera kapalit ng pangakong dodoble o lalaki ang tubo nito pagkaraan ng ilang araw.
Ginamit pa umano ni Billanes ang pangalan nina Senator Manny Pacquaio at asawang si Jinkee Pacquiao upang makapanghikaya’t ng maraming investors.
Nagsimula umano ang panghihikaya’t at pagkolekta ng pera ni Billanes noong buwan ng Mayo at hanggang ngayon hindi pa nakapag-pay-out ang mga ito.
Ayon naman sa isa pang investor na si alyas Linda, hindi maliwanag sa kanilang kung saang investment company inilagak ni Billanes ang kanilang pera dahil may sinasabi umano itong forex, ever arm, shantal at munifecence.
Tumanggi naman na magpaliwanag si Billanes sa halip pinabulaanan nito ang lahat ng mga akusasyon ng mga investors.
Dumulog na rin sa NBI upang magsampa ng kaso ang naturang mga investors.