-- Advertisements --

Inilunsad na ngayong araw ang pangalawang araw ng transport strike ng grupong Manibela sa ibat ibang bahagi ng Metro Manila.

Kagaya kahapon marami pa rin ang nga pampasaherong jeep na pumasada ngayon sa kabila ng strike ng grupo.

Sa bahagi ng Quezon City, makakakita tayo ng mga kakaunting kumpol ng tao na naghihintay na makasakay na ayon sa kanila ay tumatagal ng halos 15 minutos o higit pa lalo kung punuan ang mga jeep.

Sa bahagi ng Pasay at Maynila, ganoon din ang sitwasyon kung saan mayroon ding kaunting kumpulan ngunit nasa ganitong mga oras din ang nagiging waiting time nila bago makasakay.

Ayon sa lider ng grupo ng Manibela na si Mar Valbuena, magpapatuloy ang kanilang inilulunsad na strike at protesa sa ibat ibang mga Strike Centers sa ibat ibang bahagi ng Maynila hanggang Miyerkules, Marso 26.

Sa kabilang banda sa naging pakikipanayam natin kay Valbuena ay kinumpirma niya na hindi rin malabo kung kanila itong ieextend hanggang Biyernes, Marso 28.

Humingi rin ng pasensya ang lider sa mga apektadong mananakay dahil sa kanilang transport strike at nakiusap na sana maunawan ng mga ito kung bakit nila ginagawa ang pagtalima sa mga maling ginagawa umano ng mga transportation agencies partikular na ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Samantala, kung magpapatuloy ang Manibela sa kanilang tigil pasada, patuloy din ang augmentation ng Department of Transportation (DOTr) sa pangunguna ni Transportation Sec. Vince Dizon katuwang si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Atty. Romando ‘Don’ Artes para sa mga pagpapakalat ng mga libreng sakay para sa mga mananakay na apektado ng strike.

Patuloy din ang kanilang monitoring sa opisina ng MMDA sa Pasig City para sa agarang pagresponde kapag may mga aberya at kung kakailanganin pa ng mga bus para sa libreng sakay ng kanilang departamento.

Samantala, nananantili namang suspindido ang mga klase sa mga paaralan at pamantasan lalo na sa bahagi ng City of Manila at tatagal hanggang bukas.

Habang ilang nga siyudad naman gaya ng Paranaque, Las Pinas at ilang bahagi sa Cavite ang pinili namang magbukas pa rin ng mga eskwelahan dahil marami na din ang mga pampasaherong jeep na bumabiyahe sa mga bahaging ito kaya minabuti ng mga local government units sa lugar na hindi na magsuspindi pa ng mga klase.