Kinumpirma na rin ngayong umaga ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagka-rescue ng Japanese Coast Guard sa ikalawang tripulanteng Pinoy mula sa lumubog na cargo ship.
Nakita ang Filino crew sa karagatan ng East China na palutang-lutang at sakay ng life raft, dalawang araw matapos ang paglubog ng barko.
Ayon sa Japanese officials, nakita nilang humihingi ng tulong ang 30-anyos na Pinoy habang ito ay nasa gitna ng laot.
Conscious naman daw ito at kayang maglakad nang suriin ng mga rescuers.
Hindi muna isinapubliko ang pangalan ng naturang Pinoy.
Bago ito, unang nakitang nakaligtas ang chief officer ng barko na si Eduardo Sareno at isang lalaki rin ang nasagip subalit ito ay pumanaw na rin.
Magugunitang lumubog ang cargo ship na may lulan din na 600 mga baka at 39 Filipino crew, kasama ang dalawang tripulante na taga-New Zealand at dalawa rin mula sa Australia.
Iniulat naman ng DFA na tiniyak na rin ng may-ari ng barko at manning agency na kanilang ibibigay ang lahat ng suporta sa mga Filipino seafarers at kanilang pamilya.
“Meanwhile, the DFA reports that another Filipino crew member of the Panamanian-flagged vessel Gulf Livestock 1 was found alone in a life raft. He is conscious and able to walk. The DFA is withholding the identity of the rescued Filipino seafarer pending his consent to publish his name,” bahagi ng statement ng DFA. “The Philippine Embassy in Tokyo, the Philippine Consulate General in Osaka and the Philippine Overseas Labor Office (POLO) continue to monitor and coordinate the situation with the Japanese Coast Guard, shipowner and the manning agency to extend all appropriate support for the Filipino seafarers and their families.”