-- Advertisements --

navy3

Nakatakdang darating sa susunod na taon ang pangalawang missile Frigate ng Philippine Navy, ang BRP Antonio Luna (FF151).

Ang BRP Antonio Luna na ginawa ng Hyundai Heavy Industries ng South Korea, ang sister Ship ng BRP Jose Rizal (FF150).

Ayon kay AFP Chief of Staff Gen. Gilbert Gapay na nakapasa na sa unang Sea trials ang BRP Antonio Luna noong Setember 24 hanggang 29 sa karagatan ng South Korea.

Nakatakda sana itong ideliber ngayong Oktubre, pero dahil sa umiiral na pandemya kaya sinuspinde muna.

Sinabi ni Gapay na sa pagdating ng bagong barko ay inaasahang mapapalakas ang anti-air warfare (AAW), anti-surface warfare (ASUW), anti-submarine warfare (ASW), at electronic warfare (EW) operations ng Philippine Navy.

Nagpasalamat naman si Gapay sa Pangulong Duterte dahil sa todong suporta sa AFP modernization program.

Sinabi ni Gapay na ang puspusang pagsulong ng pambansang pamahalaan ng AFP modernization program ang susi para maipanalo ang laban kontra terrorismo sa bansa.