CAUAYAN CITY – Pinawi ng Integrated Bar of the Phils. ( IBP) ang pangamba ng mga mamamayan na maaabuso ang pagbibigay ng special powers kay Pangulo Rodrigo Duterte para sa pagharap sa problema sa coronavirus.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, Inihayag ni Atty. Domingo Egon Cayosa, presidente ng Integrated Bar of the Phils na huwag mag-aalala sa pagbibigay ng special powers kay Pangulong Rodrigo Duterte upang labanan ang COVID-19.
Sinabi ni Atty. Cayosa na noong unang lumabas ang mungkahi ng Malakanyang sa pagbibigay ng special powers ay pinag-usapan at pinag-aralan ng mga experto ng batas , mga legislators ay mga opisyal ng IBP .
Maging ang mga negatibong komento sa social media ay kanilang tinalakay at pinag-aralan.
Natutuwa anya sila dahil ang ipinasang panukala ng malakanyang sa mababang kapulungan ay nakalagay na ang mga ibang mga puna ng iba’t ibang sector.
Tiniyak Atty.Cayosa na na-improve ang version ng panukala at nagkaroon na ng mas malinaw na kahulugan ang naturang panukalang batas.