-- Advertisements --
LAOAG CITY – Siniguro ng lokal na gobyerno ng lungsod ng Sto. Tomas, Batangas na hindi magkakawahaan ang mga evacuees na nasa mga evacuation centers.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Laoag kay Erich Rodillo, administrative assistant ng nasabing lungsod, hindi nila pababayaan ang mga residente na lumala at mahawaan ang mga iba pang evacuees.
Aniya, normal na ubo at sipon ang nararanasang sakit ng mga residente ngunit may mga nakaantabay na nurse at doktor mula sa gobyerno at Department of Health (DoH) para magbigay ng check-up at tamang medikasyon ng mga residente.
Sapat din ang mga gamot sa pangunahing sakit gaya ng sipon at ubo.