Nananatiling “very high” ang risk o panganib na dulot ng Omicron COVID-19 variant matapos na lomobo pa sa 11% ang bilang ng cases sa buong mundo.
Ayon sa World Health Organization (WHO) sa COVID-19 weekly epidemiological update, sinabi ng WHO na ang Omicron ang itinuturong dahilan sa likod ng mabilis na spike ng cases sa ilang mga bansa.
Ipinapakita ng mga ebidensiya na doble na nakakahawa ang Omicron kumpara sa Delta variant.
Mabilis aniya na tumataas ang incidence ng cases na nakita sa ilang bansa gaya sa Britain at US kung saan dominant na sa mga bansang ito ang Omicron variant.
Ang mabilis na growth rate ay kumbinasyon ng taglay na immune evasion at mataas na transmissibility ng Omicron variant.
Sa kabila nito, ipinunto naman ng WHO na bumaba naman na ng 29% ang incidence ng mga kaso na naobserbahan sa South Africa kung saan unang natuklasan ang Omicron.
Nagkaroon din ng pagbaba sa risk ng hospitalization sa Omicron variant kumpara sa Delta variant.