-- Advertisements --

Masayang iibinahagi ni Pinoy pole vaulter EJ Obiena na ang pangarap niya ay malapit ng matupad.

Sinabi nito na sa darating na Nobyembre 22 ay bubuksan na ang kaniyang bagong pole vault facility.

Matatagpuan ito sa Marcos Stadium sa lungsod ng Laog, Ilocos Norte.

Dagdag pa ng 28-anyos na atelta, na higit pa sa pag-uwi ng Olympic medal sa bansa ay pangarap niyang makakita ng mas maraming mga Filipino ang nagtatagumpay sa pole vault.

Malaki ang paniniwala nito ang pole vault ay isa sa mga sports na maaaring magtagumpay ang maraming mga Pinoy.