-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Bata pa lamang ay nagsasanay na bilang boksingero Eumir Felix Marcial

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Gng. Carmelita Marcial, ina ni Eumir Felix Marcial na sa huling pag-uusap nila ng anak ay inihayag nitong maganda ang kanyang kondisyon at naghahanda na sa susunod na round ng laban.

Bata pa lamang anya ang kanyang anak ay sinasanay na at sumasabak na sa boksing sa Division meet, Palarong Pambansa at mga Invitational boxing.

Buwan buwan din anya sa kanilang lugar ay may mga ginaganap na boksing sa at sumasabak ang kanyang anak.

Inihayag pa ni Ginang Marcial na pangarap ng anak at ama nito na sumabak sa Olympic games kayat tuwang tuwa sila nang ma-qualify sa Tokyo olympics.

Pangarap din anya ni Eumir Felix Marcial na makagawa ng boxing gym upang matulungan ang maraming bata sa kanilang lugar na nagnanais maging boksingero.

Labis labis anya ang kanilang pagdarasal para sa ikatatagumpay sa laban ng kanyang anak sa Tokyo Olympics

Sa ngayon ay naghahanda na ang 27 anyos na si Eumir Felix Marcial na tubong Zamboanga City sa pakikipagsagupa sa Linggo para sa bronze medal si Armenian Arman Darchinyan na tinalo niya sa face-off noong 2018 world meet sa Russia.