BOMBO DAGUPAN – “Evidence based ako”. Ito ang reaksyon ni Pangasinan Governor Ramon MonMon Guico III sa katanungan kung sang ayon ba siya sa rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na gawin na lamang boluntaryo o hindi na obligado ang pagsusuot ng face mask sa open spaces.
Ayon kay Guico, bukas siya sa nasabing rekomendasyon kung naipapakita naman na ang pagpapaluwag ng pagsuot ng face mask ay hindi nakakapagpataas ng kaso ng covid 19.
Katuwiran niya na sa ibang karatig bansa ay nagluwag na ng polisiya sa pagsuuot ng facemask kaya nagiging voluntary na lamang ang pagsusot ng facemask pag nasa open space.
Inihalimbawa niya sa Singapore na hindi na mahigpit sa pagpapasuot ng mask maliban lang sa indoor at evidence base aniya na hindi ito naging dahilan ng pagtaas ng kaso ng covid 19 bagkus ay nakatulong sa pagbubukas ng turismo.
Siya rin ay naniniwala na maging daan ito para mamotivate ang mga tao na magpa-booster shot.
Sa ngayon ay hinihintay na lang ni Guico ang magiging pinal na polisiya at resulta ng pilot testing sa ibang lugar sa bansa.
Matatandaan na inaprubahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang nasabing rekomendasyon.
Batay sa Executive No. 3 na pirmado ni Pangulong Marcos, nakasaad na effective immediately ay magiging opsyonal na lamang ang pagsusuot ng face mask sa mga open area.