BOMBO DAGUPAN – Sa isinagawang Ceremonial Capitol Lighting sa Capitol Complex, sa bayan ng Lingayen, nanawagan ng pagkakaisa si Pangasinan Governor Ramon “Mon Mon” Guico III sa bawat mamamayan ng lalawigan.
Aniya ang selebrasyon ngayon ng kapaskuhan sa lalawigan ay may temang, “Paskong galing sa pusong may ninging.”
Binibigyang diin ng temang ito ang galing at kahusayan ng bawat isa ngunit dapat aniyang mangibabaw dito ay ang puso.
Binanggit din ng gobernador na normal lamang sa mundo ng pulitika ang may nananalo at natatalo, ito ay kaugnay sa naganap na Barangay at Sangguniang Kabataan elections.
Gayunpaman, naniniwala siyang kung ang pananaw ng mga mamamayan ay ang pagkakaisa, magkakaroon ng kaayusan ang probinsya at marami pang magagawa.
Suportado naman nito ang mga programang nais ipatupad ng mga bagong halal na mga opisyal sa bawat bayan at syudad sa Pangasinan.