-- Advertisements --
BOMBO DAGUPAN -Pursigido si Pangasinan Governor Ramon “Mon Mon” Guico III na maipatayo ang Pangasinan Integrated Terminal Exchange (PTIX).
Aniya, nagkaroon na rin siya ng pakikipag-ugnayan sa mga bus operators sa lalawigan ukol sa planong ito.
Layunin nitong matugunan ang inaasahang pagdagsa ng mga magsisiuwiang kababayan sa darating na holiday season at ang kasalukuyang problema sa sektor ng transportasyon.
Dagdag pa ni Governor Guico na sinisiguro na rin nila ang seguridad ng mga hawak na properties sa bayan ng Manaoag.