Dagupan City- Kinumpirma ng Philippine Drug Enforcement Agency o ng PDEA Region 1 na ang Probinsiya ng Pangasinan ang mayroong pinakamalakaing kontribusyon sa bilang ng mga matagumpay nilang operasyon kontra iligal na droga.
Ayon kay Bismark Bengwayen, tagapagsalita ng PDEA Region 1, tinatayang nasa 332 na bilang na kanilang naisagawang operasyon simula buwan ng Enero hanggang Hunyo.
Umabot na rin aniya sa 359 na katao na pawang gumagamit at nagtutulak ng iligal na droga ang kanilang n aaresto sa buong Rehiyon uno.
Paliwanag pa ng opisyal, ang mga malawak na lupain sa mga probinsya, lumalaking populasyon at pagdami ng urbanized cities ang nagiging dahilan kung bakit mayroon pa ring mga naitatalang gumagamit at nagbebenta ng ipinagbabawal na gamot.