DAGUPAN CITY – Muling idineklarang insurgency free ang lalawigan ng Pangasinan ng Regional Peace and Order.
Ayon kay Captain Ria Tacderan, tagapagsalita ng Pangasinan Police Provincial Office, nangangahulugan na wala ng banta sa terorismo sa lalawigan.
Gayunman sinabi ni Tacderan na hindi ibig sabihin ay magrerelaks at wala ng gagawin ang mga kapulisan.
Tuloy aniya ang paggawa ng anti insurgency operation, pag-akyat ng bundok at pagpapatrolya para mapanatili na insurgency free ang lalawigan.
Sa ngayon ay wala na ring sighting ng NPA partikular sa bayan ng San Nicolas. May nakatalaga umanong mga kasapi ng Philippine Army na nagbabantay sa area.
Matatandaan na una ng ideneklarang insurgency free ang lalawigan noong nakalipas na taon.
Sa kabilang dako, kinumpirma ni Tacderan, na may natatanggap silang report na may mga humihingi ng revolutionary tax sa mga negosyate dito sa lalawigan ng Pangasinan.
Pero, beniberipika nila kung may katotohanan ito o wala.