-- Advertisements --
image 253

Bineberipeka na ng Pangasinan Provincial Police Office ang ulat na hinarass umano ng mga pulis sa Bayambang ang mga magsasaka ng sibuyas kabilang ang isang humarap sa pagdinig sa Senado kamakailan.

Sa isang pahayag, nangako si Pangasinan Police director Police Colonel Jeff Fanged na mananagot ang mga concerned police personnel kung totoo ang alegasyon.

Aniya, ang tanggapan ay kasalukuyang nasa proseso ng pagpapatunay sa di-umano’y panliligalig na ginawa ng mga nasabing pulis.

Dagdag dito, kung mapapatunayan ang alegasyon, sasailalim ang mga ito sa isang hakbang ng pagdidisiplina at masusing imbestigasyon.

Una rito, ang pahayag ay inilabas matapos sabihin ni Senador Imee Marcos na nakatanggap siya ng impormasyon na nagtungo ang mga pulis sa bahay ni Merly Gallardo at iba pang mga magsasaka ng sibuyas na umano’y utos ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at ng National Task Force upang tapusin ang Local Communist Armed Conflict.